Pages

Saturday, April 9, 2011

NGITI NG PAG-IISA

Sa bawat sandali ng aking Buhay
Ikaw lang ang laging nasa isip
Ni hindi makatulog
Kapag di ka nasisilayan

Noon, akoy laging maligaya
Laging may ngiti sa mga mata
Hindi maipaliwanag na kaligayahan
Ang dulot mo sa aking Buhay.

Noong sandaling iwan mo ako
Biglang tumigil ang ikot ng aking mundo
Hindi ko alam kung paano tatanggapin ito
Ang pagkawala mo sa Buhay ko.

Kung noon ako’y nakangiti
Ngiti ng labis na kaligayahan
Ngunit ngayong wala ka na
Ang ngiti ko ay dahil ako’y nag iisa.

Ang ngiting noong walang katulad
Ay ngiti ngayon ng kalungkutan
Nasan ka na aking mahal
Nais kong ibalik ang ngiti ng ating nakaraan

No comments: